Mahigit 200 cargo drivers at helpers stranded dahil sa Typhoon Ambo – PCG

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 05:51 PM

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 236 na stranded na cargo drivers at helpers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay dahil sa pananalasa ng Typhoon Ambo.

Ayon sa Coast Guard mayroong 112 stranded na cargo drivers at helpers sa Bicol Region at 124 na cargo drivers at helpers sa Eastern Visayas.

Suspendido din ang operasyon ng 44 na rolling cargoes at 2 cargo vessels sa Bicol.

Gayundin ang 75 rolling cargoes at 12 cargo vessels sa Eastern Visayas.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para matiyak na walang makapaglalayag ngayong mayroong bagyo.

Inalerto na rin ang lahat ng PCG Districts at Stations upang agarang makaresponde sakaling may maitalang emergency situations.

 

 

TAGS: ambo, coast guard, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stranded cargo drivers and helpers, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambo, coast guard, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stranded cargo drivers and helpers, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.