Pagtaas ng consumption sa kuryente ngayong panahon ng ECQ dapat patunayan ng Meralco

By Erwin Aguilon May 15, 2020 - 03:54 PM

Inoobliga ng isang mambabatas ang Meralco na magpakita ng comparative analysis at simpleng presentation o simulation para bigyang katuwiran ang mataas na bill sa kuryente ng consumers.

Ayon kay Rural Electric Consumers and Beneficiaries of Development and Advancement, Inc. (RECOBODA) partylist Rep. Godofredo Guya, kailangang patunayan ng Meralco na talagang tumaas ang konsumo sa kuryente sa panahon ng enhanced community quarantine at ngayong summer season.

Sabi ni Guya, importanteng makita ang mga numero para magkaalaman kung may basehan ang inaangalangan ng consumers na biglang pasirit ng kanilang bayarin sa kuryente.

Iginiit rin ng kongresista na isapubliko ng Meralco ang kanilang Schedule of Rates na ginamit sa pagkwenta ng May bill.

Sa nakaraang virtual meeting ng Committee on Energy, inatasan ng mga kongresista ang kumpanya na magpaliwanag in writing sa mga alegasyon laban sa kanila.

Una nang dumepensa ang Meralco sa mataas na bills ng consumer kung saan sinabi nitong ang March at April bills ay ibinase sa nakalipas na 3 buwang consumption base sa ERC advisory bago mag-ECQ kaya mas mababa ito.

Nasa May bill umano ang actual na konsumo kung saan nag-reflect ang full ECQ impact gayundin ang adjustments mula Marso at Abril kaya mas mataas ang consumption.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, power rate, power rate hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, power rate, power rate hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.