LOOK: Pinsala ng Bagyong Ambo sa simbahan sa Arteche, Easter Samar
By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 03:33 PM
Nagkalat ang debris sa loob at labas ng simbahan sa Arteche, Eastern Samar.
Ito ay matapos mawasak ng bagyong Ambo ang naturang simbahan nang manalasa ito sa Eastern Samar.
Bumagsak ang bubungan ng simbahan at tanging ang haligi sa bukana lamang ang natirang nakatayo.
Ang bayan ng Arteche ay kalapit lamang ng bayan ng San Policarpo kung saan unang tumama ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.