Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Patuloy na inuulan ang nasabing mga lalawigan dahil sa Bagyong Ambo.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, May 15 yellow warning ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:
– Isabela (Dinapigue, San Mariano, Palanan, San Guillermo, Benito Soliven, Ilagan)
– Quirino (Nagtipunan, Maddela)
– Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
Mahina at kung minsan ay katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya, gayundin sa Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, La Union, Ilocos Sur, Abra at Benguet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.