Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa lalawigan ng Quezon

Dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan itinaas na ng PAGASA ang red rainfall warning sa lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na abiso alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, May 15, binalaan ng PAGASA ang mga residente sa posibleng ‘serious flooding’ na mararanasan.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang umiiral sa Laguna, Batangas, Rizal at Bulacan.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, at Cavite.

Mararanasan ito sa susunod pang mga oras.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

 

 

 

 

Read more...