Operasyon ng KidZania mananatiling suspendido hanggang August 15, 2020
Mananatiling suspendido ang operasyon ng tanyag na pasyalan sa BGC, Taguig City na KidZania.
Ang KidZania na nagbibigay learning experience sa mga batang edad 4 hanggang 17 ay sarado na simula pa noong March 11, 2020 bago pa ang pag-iral ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon sa pahayag ng pamunuan ng KidZania, kahit sa guidelines sa ilalim ng GCQ ay hindi pa rin pinapayagan ang kanilang pagbubukas.
Dahil sa problema sa pandemic ng COVID-19, malaki na ang naging epekto nito sa kumpanya.
Dahil dito, nagpasya na ang KidZania Manila na maghain ng temporary suspension of operations sa Department of Labor and Employment epektibo mula June 16 hanggang August 15.
Tiniyak ng kumpanya na patuloy na magbibigay ng tulong-pinansyal at health insurance benefits sa mga apektadong empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.