Transition ng bansa mula ECQ patungong MECQ at GCQ at pananalasa ng Typhoon Ambo binabantayan ng Malakanyang
Masusing naka-monitor ang Palasyo ng Malakanyang sa sitwasyon ng bansa.
Ito ay dahil ilang oras na lamang bago ang transition mula sa pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Sinabayan pa ng paghagupit ng Typhoon Ambo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat ng concerned agencies ay naka-alerto at naka-standby sa pamamagitan ng Oplan Listo na pinamumunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Hiniling ng Malakanyang sa publiko lalo na ang mga naninirahan sa direktang binabayo ng Typhoon Ambo na maging alerto at makipag-cooperate sa mga otoridad sa pagpapatupad ng disaster preparedness at response upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.