Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa lalawigan ng Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 12:48 PM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Quezon.

Ito ay bunsod ng nararanasang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa lalawigan dahil sa Typhoon Ambo.

Alas 12:18 ng tanghali, sinabi ng PAGASA na yellow rainfall warning ang umiiral sa Quezon.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na pag-ulan namamn ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Mararanasan ito sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

 

 

 

TAGS: ambo, Pagasa, Quezon, rainfall warning, weather, ambo, Pagasa, Quezon, rainfall warning, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.