Mahigit 21,000 na OFWs naisailalim na sa RT-PCR testing para sa COVID-19
Umabot na sa mahigit 21,000 na land-based at sea-based Overseas Filipino Workers (OFWs) ang sumailalim sa RT-PCR testing para sa COVID-19.
Ang pagkuha ng swab tests sa kanila ay ginawa ng mga tauhan ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula May 2 hanggang 14.
Ang pagkuha ng swab samples ay ginagawa sa mga quarantine facilities sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Habang hinihintay ang resulta ng kanilang tests, mananatili sa quarantine facilities ang mga OFWs.
Iisyuhan sila ng quarantine clearances sa sandaling magnegatibo sa tests at saka papayagang makauwi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.