Korte Suprema nag-isyu ng guidelines sa pagbubukas ng mga korte sa ilalim ng general community quarantine

Nag-isyu ng guidelines ang Korte Suprema na susundin sa mga mga korte sa mga lugar sa bansa na sasailalim na lamang sa general community quarantine o GCQ.

Narito ang guidelines na kailangang sundin sa lahat ng korte mula May 16 hanggang 31:

– Lahat ng korte sa mga lugar na nasa GCQ ay dapat physically open na mula May 18 hanggang 29 pero magtatalaga lamang ng skeleton-staff at by rotation
– ang mga katanungan tungkol sa mga kaso, transaksyon, kabilang ang request para sa dokumento at serbisyo ay idadaan muna sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline numbers, pag-email o sa social media account
– wala munang walk-in requests na ie-entertain sa mga korte sa GCQ areas
– ang mga hukom, mahistrado na mayroong medical conditions at maaring malantad sa COVID-19 ay maaring mag work from home
– lahat ng branches ng korte sa GCQ areas ay mag-ooperate mula 9AM hanggang 4PM Lunes hanggang Biyernes.
– Mananatiling suspendido ang operasyon ng mga night court at Saturday courts hanggang May 30.
– Ang mga korte sa GCQ areas ay pwedeng tumanggap ng petisyon at pleadings
– Maari na ring magsagawa ng raffle ng mga kaso
– tuloy din ang pagresolba sa mga kasong nakabinbin. Pwedeng gawin ang hearing sa korte o kaya ay sa pamamagitan ng videoconferencing
– tiyakin ang health hygiene protocols sa mga in-court hearings

Ang kabuuan ng guidelines ay maaring mabasa sa https://sc.judiciary.gov.ph/11371/

Ang naturang guidelines ay nilagdaan ni Chief Justice Diosdado Peralta.

 

 

 

Read more...