Heavy rainfall warning nakataas sa tatlong lalawigan sa Luzon dahil sa Typhoon Ambo

Nagtaas ng hwavy rainfal warning ang PAGASA sa tatlong lalawigan sa Luzon dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Typhoon Ambo.

Sa abiso ng PAGASA alas 11:00 ng umaga, yellow warning ang nakataas sa Quirino, Nueva Vizcaya at Southern Isabela.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Inabisuhan din ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng weather bureau.

 

 

Read more...