NLEX nagsagawa ng rapid testing sa mga empleyado nito
By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 10:59 AM
Isinailalim sa rapid testing para sa COVID-19 ag mga empleyado ng NLEX Corporation.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mganmpleyado bunsod ng pagsisimula na ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine at general community quarantine.
Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager Luigi Bautista prayoridad ng testing ang kanilang mga frontliner.
Tanging ang mga magnenegatibo lamang sa test ang itatalaga at papayagang humarap sa mga customer ng NLEX.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.