Imbestigasyon sa mga lokal na opisyal na nambulsa ng pondo ng SAP sisimulan na ng PNP-CIDG

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 09:24 AM

Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon sa mga korapsyong naganap sa pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya ang PNP na at hindi ang DILG field offices ang mangangasiwa sa imbestigasyon.

Desisyon aniya ni DILG Sec. Eduardo Año na ilipat sa CIDG ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa usapin dahil mas marami itong imbestigador kaysa sa mga DILG field offices.

Tiniyak ni Malaya na masisiyasat ng PNP ang mga reklamong, tara, kaltas, at pare-parehas na pangalan na benepisyaryo ng SAP.

Lahat aniya ng isyu patungkol sa graft o korapsyon sa pondo ng SAP ay hahawakan ng PNP-CIDG.

Habang kung ang reklamo naman ay administrative complaint laban sa mga opisyal ng barangay gaya ng kabiguang magpatupad ng social distancing o nagpabaya ang kapitan ng barangay sa pagkakaroon ng mass gathering ay ang DILG naman ang hahawak sa reklamo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: corruption, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, graft, Health, Inquirer News, local officials, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, PNP-CIDG, Radyo Inquirer, sap distribution, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, graft, Health, Inquirer News, local officials, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, PNP-CIDG, Radyo Inquirer, sap distribution, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.