PTV-4 dapat gamitin sa distance learning program – Sen. Tolentino
Hinikayat ni Senator Francis Tolentino ang Department of Education (DepEd) na makipagtulungan sa PTV-4 at National Telecommunications Commission (NTC) para lubos na maipatupad ang distance learning program ngayon nahaharap ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“The PTV-4, as a free TV channel, is an ideal platform especially to students who don’t have internet access at home,” sabi ni Tolentino.
Ngunit aniya dapat ay kumikilos din ang NTC at magsilbing tulay sa pagitan ng DepEd at ng TV station.
Ibinahagi ni Tolentino na sa China at Kenya, ginagamit ang mga TV stations na pag-aari ng gobyerno bilang paraan para mas maraming bata ang mabigyan ng edukasyon.
May dalawang panukala ang senador, ang Senate Bill Nos. 1457 at 1458, na kapwa dininig na ng Committee on Basic Education sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian.
Layon ng isa sa dalawang panukala na bigyan kapangyarihan ang kalihim ng DepEd na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga klase sa tuwing may matindi krisis sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.