Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin dahil sa TY Ambo – PAGASA

Nakataas pa rin ang rainfall advisory sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Pampanga, Cavite at Zambales sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon, Batangas, at Tarlac.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na rainfall advisory ng weather bureau.

Muling magpapalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

 

 

 

 

Read more...