Pagbuo ng Department of OFWs muling inihirit ni Senator Bong Go
Dahil kabilang ang daan-daan libong OFWs na lubhang apektado ng COVID-19 pandemic, muling nanawagan si Senator Christopher Go na madaliin na ang pagbuo sa Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs)
Sinabi ni Go kung may sariling kagawaran para sa mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa mas matutukan ang kanilang mga pangangailangan at agad silang maseserbisyuhan.
Nakalipas na ang mahigit isang taon nang lumusot sa Kamara ang bersyon ng panukala at simula noon ay nakabinbin na ito sa Senate Committee on Labor.
Layon ng panukala na mapag-isa na sa isang kagawaran ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na ang mga mandato ay may kinalaman sa kapakanan ng mga Filipino sa ibang bansa.
Pansin ni Go kulang ang koordinasyon ng mga ahensiya kayat nahihirapan pa ang OFWs sa pag-asikaso sa kanilang mga kailangan.
Pagdidiin ng senador lubhang napakahalaga na may kagawaran para sa mga OFW para agad din nakakatugon ang gobyerno sa tuwing may krisis na lubhang nakaka-apekto sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.