Operasyon ng MRT, nagka-aberya dahil sa problema sa riles

By Marilyn Montaño February 15, 2016 - 12:51 PM

Kuha ni Ricky Brozas
File Photo / Ricky Brozas

Daang-daang pasahero ang naperwisyo ng panibagong aberya na naranasan sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT3 ) kaninang umaga.

Nagpatupad ng partial operation ang MRT3 sa mahigit na dalawampung minuto dahil sa technical trouble.

Bago mag alas 10:00 ng umaga nang magpatupad ng limitadong operasyon ang MRT mula sa North Avenue at Shaw Boulevard stations lamang.

Ayon kay MRT general manager Roman Beunafe, nag-resume ang normal na operasyon ng MRT 3 alas 10:13 ng umaga.

Nakitaan aniya ng rail break ang riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes stations na dahilan ng aberya.

TAGS: MRT suffers glitches anew, MRT suffers glitches anew

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.