Multa sa hindi pagsusuot ng mask sa Qatar aabot sa katumbas ng P2.6M

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 07:41 AM

Inquirer file photo

Mandatory na ang pagsusuot ng face mask sa Qatar.

Sa anunsyo ng interior ministry office ng Qatar, lahat ng lalabas ng bahay ay dapat nakasuot ng mask.

Ang mga hindi susunod ay papatawan ng multa na 200,000 riyals o katumbas ng P2.6 million.

Maari ding makulong ng hanggang tatlong taon ang mga lalabag.

Maari namang magtanggal ng mask kung nasa loob ng sasakyan at mag-isa lamang na nagmamaneho o walang ibang sakay.

Ang Qatar ay mayroong 28,272 na kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, face mask, fine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Qatar, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, face mask, fine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Qatar, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.