Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan

Nabawasan pa rin ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.53 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (May 15) mas mababa sa antas nito kahapon na 187.75 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 75.97 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.02 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.06 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.03.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga at San Roque dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

 

 

 

Read more...