Metro Manila, mga kalapit na lalawigan makararanas ng pag-ulan dulot ng Typhoon Ambo ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 06:50 AM

Mararanasan na ang hindi magandang lagay ng panahon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong araw dahil sa Typhoon Ambo.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, simula ngayong umaga ay makararanas na ng
kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila.

Simula naman mamayang tanghali ay mararamdaman na ang bugso ng hangin na dala ng Typhoon Ambo.

Ayon kay Rojas, maaring maranasan ang bugso ng hangin ng Typhoon Ambo sa Metro Manila hanggang bago mag-hatinggabi.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na rainfall warning at iba pang abiso ng weather bureau.

Kaninang alas 5:00 ng umaga ay naglabas na ang PAGASA ng rainfall advisory para sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa PAGASA, makararanas na ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Batangas, Rizal, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan at Cavite sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, Quezon at Laguna.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.