Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, bukas (May 16, Sabado) ng umaga ang bagyong Ambo ay inaasahang nasa bahagi na ng Pantabangan, Nueva Ecija at magiging isang severe tropical storm na lamang ito.
Bababa pa ang bagyo sa tropical storm category pagsapit nito sa Calayan, Cagayan sa Linggo (May 17) ng umaga.
Sa Lunes, May 18 ng umaga ay inaasahang nasa bahagi na ng Basco, Batanes ang bagyo at magiging isang tropical depression na lamang.
Sa Lunes ng hapon inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
READ NEXT
Signal #3 nakataas sa maraming lugar sa Bicol at Quezon; Signal #2 nakataas sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan
MOST READ
LATEST STORIES