182 na OFWs na stranded sa Thailand nakauwi na sa bansa
Naiuwi na sa bansa ang 182 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded sa Thailand.
Lulan ang mga OFW ng AirAsia Chartered Flight nang dumating sila sa bansa.
Ito na ang ikalawang batch ng mga OFWs mula Thailand na napauwi sa bansa mula nang magkaproblema sa pandemic ng COVID-19.
Samantala kahapon din, 45 pa ang dumating sa bansa mula naman sa Indonesia.
Kinabibilangan sila ng mga OFWs, turista at ang iba ay estudyante na na-stranded nang maglockdown sa nasabing bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) mahigit 8,000 land-based Filipino workers na ang napauwi sa bansa simula noong February 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.