Typhoon Ambo limang beses nang nag-landfall

Sa ikalimang pagkakataon muling nag-landfall ang Typhoon Ambo ngayong Biyernes (May 15) ng madaling araw.

Alas 3:00 ng madaling araw tumama ang bagyo sa kalupaan ng Burias Island sa Masbate.

Ayon sa PAGASA ang unang landfall ay kahapon ng alas 12:15 ng tanghali sa San Policarpo, Eastern Samar.

Ang ikalawang landfall nito ay sa Dalupiri Island, Northern Samar alas 10:15 ng gabi kagabi.

Alas 10:30 ng gabi ay muli itong nag-landfall sa Capul Island, Northern Samar.

At ang ikaapat na landfall ay sa Ticao Island, alas 12:00 ng hatinggabi.

Ngayong umaga ay inaasahang muling tatama sa kalupaan ng Southern Quezon ang bagyo.

Dahil sa ilang ulit nang pagtama sa kalupaan, humina ang bagyo, at taglay na lamang ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 165 kilometers bawat oras.

15 kilometers per hour pa rin ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.

Alas 4:00 ng madaling araw kanina ay namataan ang sentro ng Typhon Ambo sa bisinidad ng Claveria, Masbate.

 

 

 

Read more...