Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 59 kilometers Southeast ng Governor Generoso, alas-2:55 madaling araw ng Biyernes (May 15).

May lalim na 134 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...