Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,174

By Mary Rose Cabrales May 15, 2020 - 05:14 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (May 14, 3:00 PM) pumalo na sa 1,174 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 59 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 253
Laguna – 353
Batangas – 134
Rizal – 357
Quezon – 77

Nasa 447 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 59 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 83
Laguna – 156
Batangas – 59
Rizal – 99
Quezon – 50

Nadagdagan naman ng 6 ang bilang ng nasawi kaya’t umabot na sa 134 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 26
Laguna – 30
Batangas – 19
Rizal – 51
Quezon – 8

 

 

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, COVID-19, Health, pandemic, calabarzon, covid cases, COVID-19, Health, pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.