Unang kaso ng COVID-19 reinfection sa Bicol, naitala – DOH Bicol

By Angellic Jordan May 15, 2020 - 12:20 AM

Google Maps

Iniulat ng Department of Health Center for Health Development – Bicol ang unang kaso ng COVID-19 reinfection.

Ayon kay Dr. Ernie Vera, regional director ng DOH CHD – Bicol, sa lumabas na 60 test results sa araw ng Huwebes (May 14), tatlo ang nagpositibo kabilang ang isang pasyente na muling tinamaan ng COVID-19.

Ito ay ang ika-34 kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon.

Unang napag-alamang positibo sa COVID-19 ang 34-anyos na babaeng residente sa Legazpi City, Albay noong April 22.

Agad kumuha muli ng swab specimen sa pasyente at lumabas na negatibo noong April 26.

Dahil dito, nagdesisyon ang health facility na maaari nang ma-discharge ang pasyente ngunit inabisuhan na sumailalim pa rin sa 14-day quarantine.

Sa follow-up check-up noong May 12, kumuha ng specimen at lumabas na positibo muli ang pasyente sa COVID-19 nitong Huwebes, May 14.

Kasunod nito, muling nagpaalala ang DOH CHD – Bicol sa mga kumpirmadong kaso na istriktong sundin ang isolation at quarantine protocol sa loob ng 14 araw matapos unang lumabas na negatibo at bago makuhanan muli ng swab.

TAGS: breaking news, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, DOH CHD Bicol, First COVID-19 reinfection in Bicol, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, DOH CHD Bicol, First COVID-19 reinfection in Bicol, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.