Ilang nasunugan sa Navotas, pansamantalang nananatili sa Tanza National High School

Pansamantalang nakatira sa Tanza National High School ang ilang pamilya na apektado ng sunog sa Navotas City.

Ayon sa Navotas City government, nananatili ang mga pamilya sa classrooms at covered court ng nasabing paaralan.

Nabigyan din anila ng relief goods at iba pang pangangailangan ang mga apektadong pamilya.

Matatandaang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Tanza 1 bandang 1:00, Huwebes ng madaling araw (May 14).

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Read more...