Karagdagang 18 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (May 14), umakyat na sa 975 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 727 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 204 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 123 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 497 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,232 ang suspected cases.
Umakyat naman sa 160 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 88 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.