Red rainfall warning nakataas sa Northern Samar at Sorsogon

By Angellic Jordan May 14, 2020 - 11:39 PM

Credit: PAGASA FB

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso bandang 11:00, Huwebes ng gabi (May 14), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Ambo.

Nakataas ang red warning level sa Northern Samar at Sorsogon.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Sinabi ng PAGASA na asahan ang katamtaman hanggang malakas na kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Albay, Catanduanes, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island, Romblon, Marinduque, Camarines Sur at Camarines Norte sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red rainfall warning in Northern Samar, red rainfall warning in Sorsogon, Typhoon Ambo, AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, epekto ng Bagyong Ambo, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red rainfall warning in Northern Samar, red rainfall warning in Sorsogon, Typhoon Ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.