Trabaho sa gov’t offices sa Camarines Norte, sinuspinde dahil sa Typhoon Ambo

By Angellic Jordan May 14, 2020 - 11:07 PM

Suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Camarines Norte sa Biyernes, May 15.

Sa inilabas na executive order, sinabi ni Governor Edgardo Tallado na ito ay bunsod ng posibleng epekto ng Typhoon Ambo sa probinsya.

Pagdating sa mga pribadong sektor, sinabi ng gobernador na depende ito sa magiging pasya ng pamunuan ng mga kumpanya.

Nakataas naman sa full alert ang PDRRMO, MDRRMO at iba pang frontline offices para maging handa sa pagresponde sa magiging epekto ng bagyo sa Camarines Norte.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Ambo sa bisinidad ng Catarman, Northern Samar dakong 7:00, Huwebes ng gabi (May 14).

TAGS: AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Camarines Norte, epekto ng Bagyong Ambo, Gov. Edgardo Tallado, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Typhoon Ambo, work suspension in Camarines Norte, AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Camarines Norte, epekto ng Bagyong Ambo, Gov. Edgardo Tallado, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Typhoon Ambo, work suspension in Camarines Norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.