Nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 sa Sorsogon, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.
Ayon kay Dr. Ernie Vera, Regional Director ng DOH CHD Bicol, isang 37-anyos na lalaking residente ng Matnog, Sorsogon ang ika-65 confirmed COVID-19 case sa rehiyon.
Ang pasyente ay asymptomatic ngunit dumaan sa swab test dahil may travel history sa Florida, USA.
Sa ngayon, naka-confine ang pasyente sa Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital (DFBDSMH).
Maliban dito, isa pang kaso ng nakakahawang sakit ang naitala sa Legazpi City, Albay.
Asymptomatic din ang pasyente at nakasailalim na sa quarantine.
Dahil dito, umakyat na sa 66 ang COVID-19 cases sa Bicol region.
Patuloy naman ang paalala ng DOH CHD – Bicol sa mga residente sa rehiyon na sumunod sa community quarantine procedures para maiwasan ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.