Quezon City, nakapagtala ng 43 degrees Celsius na heat index

Sa kabila ng naranasang pag-ulan, nakaranas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon sa Metro Manila, araw ng Huwebes (May 14).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 43 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 2:00 ng hapon.

Umabot naman sa 34.5 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.

Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.

Read more...