Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras
Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 6:29 ng gabi, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Laguna, Bulacan, Rizal at Pampanga.
Maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang Tarlac, Zambales at Quezon partikular sa Tagkawayan, Alabat, Jomalig, Gumaca, Unisan at Macalelon.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.