Tatlong araw na nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga rebelde sa boundary ng Northern Mindanao at Caraga Regions.
Sa impormasyon mula sa AFP – Eastern Mindanao Command, kabilang sa mga napatay ay apat na matataas na pinuno ng NPA na nakilalang sina Ian Dela Rama alyas “Gian,” ang front secretary ng GFC4A; Rio Amor Yuson alyas “Lema,” ang finance officer; Paquito Namatidong alyas “Sangka,” platoon leader; at Peter Mansaginda Pinakilid alyas “Aloy,” ang political officer ng GF4A.
Unang nagkaroon ng engkuwentro sa Barangay Kamanikan sa Gingoog City noong Mayo 10 at tumagal na ito hanggang noong umaga ng Miyerkules, Mayo 13.
Nakuha mula sa mga napatay na rebelde ang limang M16, isang AK47, isang M14, isang Carbine, mga pampasabog, at communication gadgets, bukod pa sa mga dokumento ng kilusan.
Naniniwala ang AFP na malaking dagok sa pamunuan ng NPA ang pagkamatay ng kanilang mga pinuno at kasamahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.