Pasya ng NTC na pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN, pinanindigan
Nanindigan ang National Telecommunications Commission (NTC) sa ipinalabas na cease and desist order na ipinalabas laban sa ABS-CBN.
Sa liham ng NTC kina Speaker Alan Peter Cayetano at Palawan Rep. Franz Alvarez, sinabi ng mga opisyal nito na ginawa nila ang hakbang bilang respeto sa kapangyarihan ng Kongreso na mag-isyu ng prangkisa.
Ipinaliwanag ng mga opisyal na base sa Konstitusyon, mga batas at jurisprudence, hindi talaga nila maaaring bigyan ng provisional authority to operate ang network.
Sinabi ng mga ito na nauunawaan nila ang pagkagulat ng Kongreso sa kanilang naging hakbang pero iginiit na “in good faith” ang paniniwala nila noon na maaaring maging solusyon ang pagbibigay ng PA ng NTC.
Gayunpaman, sana daw ay naging mas bukas sila at inalerto ang Kongreso na hindi nia magagawang bigyan ng PA ang ABS-CBN base sa legal grounds, at sa desisyong maglabas ng CDO laban sa network kapag nag-expire ang prangkisa nito.
Humingi din ng paumanhin ang NTC officials na hindi naabisuhan si Cayetano at ang Kamara partikular ang komite ni Alvarez sa desisyon nilang maglabas ng cease and desist order laban sa network matapos mapaso ang prangkisa nito noong May 4.
Nag-sorry din ang mga ito sa idinulot na kalituhan at abala sa Kongreso ngayong nasa gitna pa matinding krisis.
Ang liham ay kaugnay sa show cause order ng House committee on Legislative Franchises kung bakit hindi sila dapat ma-contempt sa ginawang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.