Health workers na nagpositibo sa COVID-19; nadagdagan nang 40; Kabuuang bilang, 2,067 na – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan nang 40 ang bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 2,165 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 13.
Sa nasabing bilang, 1,393 ang aktibong kaso kung saan 380 ang asymptomatic, 1,007 ang mild, lima ang may severe condition at isa ang kritikal.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 652
– Nurse – 790
– Nursing Assistant – 133
– Medical Technologist – 75
– Radiologic Technologist – 40
Nasa 219 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, nadagdagan din ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit na umabot na sa 737.
Ani Vergeire, nanatili naman sa 35 ang mga pumanaw bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.