Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 14), pumalo na sa 11,876 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
258 ang panibagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 258 bagong kaso, 188 o 73 porsyento ay naitala sa National Capital Region; 16 o anim na porsyento sa Region 7; at 54 o 21 porsyento sa iba pang lugar.
Samantala, nasa 18 pasyente ang bagong nasawi kung kaya 790 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Base pa sa datos, 86 pa ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas ay 2,337 na.
MOST READ
LATEST STORIES