Ito ay dahil sa birthday party ni Sinas na paglabag sa mass gatherings sa enhanced community quarantine.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, base sa kanyang pakikipag-usap kay PNP Chief Archie Gamboa, isasampa ang kaso sa Biyernes (May 15).
Bukod kay Sinas, kakasuhan din ang iba pang senior officials na kasama sa birthday party.
” Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, humihingi na rin ng clearance ang PNP sa Office of the President para sampahan ng kasong administratibo si Sinas dahil sa paglabag sa quarantine rules.
“The PNP is also getting clearance from the Office of the President regarding the filing of administrative charges in violation of quarantine rules against the alleged violators,” dagdag pa nito.
Si Sinas ay third level officer at isang Presidential appointee kung kaya kinakailangan ng clearance sa OP.