Mga stranded na cargo driver sa Bicol, nasa 293 – PCG

Stranded ang ilang cargo driver/helper sa Bicol region bunsod ng Typhoon Ambo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa datos ng PCG hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (May 14), nasa kabuuang 293 ang stranded cargo drivers/helpers sa nasabing rehiyon.

Suspendido rin ang operasyon ng 133 rolling cargoes at limang cargo vessels.

Tiniyak din nito na 24/7 nakatutok ang PCG Operations Center para bantayan ang kanselasyon ng vessel movement at upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Read more...