Customs nakapag-release na ng mahigit 11,000 PPE shipments

Umabot na sa 11,131 na personal protective equipment (PPEs) shipments ang nai-release ng Bureau of Customs.

Ito ay pawang mga donasyon na dumating sa bansa.

Kahapon, May 13 ay 111 na PPE shipments ang nai-release ng customs sa NAIA, Cebu, Clark, Davao, at Subic.

Simula noong March 9 ay tiniyak ng customs ang same-day release sa mga PPE shipments at iba pang medical supplies na kailangan sa COVID-19 response ng bansa.

 

 

 

 

Read more...