Bulacan, Laguna, Rizal at Nueva Ecija uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2020 - 11:30 AM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Nueva Ecija.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 11:25 ng umaga ng Huwebes, May 14 moderate hanggang heavy na pag-ulan ang mararanasan sa nasabing mga lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa mga bayan ng Real, General Nakar, Gumaca, Lopez, at San Andres sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto at mag-antabay sa mga abisong inilalabas ng PAGASA.

 

 

TAGS: Bulacan, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, nueva ecija, Pagasa, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, Bulacan, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, nueva ecija, Pagasa, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.