Bulacan, Laguna, Nueva Ecija uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, at Nueva Ecija.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:16 ng umaga ng Huwebes, May 14 moderate hanggang heavy na pag-ulan ang mararanasan sa nasabing mga lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa mga bayan ng Mauban, Atimonan, at Pagbilao sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto at mag-antabay sa mga abisong inilalabas ng PAGASA.

 

 

 

Read more...