outbrain

Kai Sotto ganap nang nakalagda sa G League

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2020 - 10:23 AM SHARE(S):

Ganap nang lumagda sa G League si Kai Sotto at siya ang naging ikaapat na player na lumagda sa liga para sa susunod na season.

Maliban sa 7-foot-2 center na si Sotto nauna nang lumagda sa G League ang iba pang five-star high school recruits na sina Jalen Green, Isaiah Todd at Daishen Nix.

Noong Lunes ay tumuntong si Sotto sa edad na 18.

Desisyon ni Sotto na sumali na sa G League bilang paghahanda sa 2021 NBA draft.

Sa kaniyang post sa Instagram hiniling ni Sotto ang patuloy na suporta ng Filipino basketball fans.

Ayon kay Sotto, bagaman napakarami niyang opsyon, ang pagsali sa G League ang nakikita niyang pinakamabuting hakbang upang makamtan niya ang kaniyang pangarap na makapaglaro sa NBA.

 

 

 

 

TAGS: g league, Inquirer News, kai sotto, NBA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, g league, Inquirer News, kai sotto, NBA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.