Sinas walang balak mag-leave habang siya ay iniimbestigahan
Walang balak si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na maghain ng leave of absence habang iniimbestigahan siya sa kontrobersyal na birthday party.
Ayon kay Sinas, ito ay maliban na lamang kung may utos mula sa PNP chief o kay Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay pansamantala muna mag-leave.
Naninindigan din si Sinas na walang mali sa naganap na “mañanita” dahil tiniyak naman nilang nasusunod ang social distancing sa kasagsagan ng event.
May 8 nang idaos ang selebrasyon para sa kaarawan ni Sinas.
Ang mga larawan ng naturang event ay ibinahagi sa official Facebook Page ng NCRPO pero kalaunan ay binura din ang posts.
Gayunman, bago pa mabura, marami na ang nakapag-grab ng mga larawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.