Paglalayag ng mga cargo vessel, pangigisda suspendido na dahil sa Typhoon Ambo
Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag ng lahat ng cargo vessel sa bansa dahil sa Typhoon Ambo.
Sa abiso ng coast guard, bawal na rin ang paglalayag ng lahat ng bangkang pangisda simula ngayong araw.
Ayon sa PCG, magbabalik ang maritime activities sa sandaling umayos na muli ang lagay ng panahon.
24/7 ang gagawing monitoring ng PCG Operations Center upang matiyak na walang makabibiyaheng sasakyang pandagat.
Inatasan na rin ang lahat ng PCG Districts at Stations sa bansa na ihanda ang mga tauhan at assets para sa pagresponde sa emergency situations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.