Sagot sa mga alegasyon laban sa ABS-CBN dapat ihanda na ng network
Pinayuhan ni House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales ang ABS-CBN maghanda nang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila.
Ito ay kasunod ng pagpasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa panukala na mabigyan ng provisional franchise ang Lopez-led broadcast corporation.
Sabi ni Gonzales Napilitan ang Kamara na apurahin ang usapin sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagsira ng National Telecommunications Commission sa binitiwang salita sa Kongreso.
Ito anya ang dahilan kaya inihain ng liderato ng Kamara ang House Bill 6732 na layong bigyan ng provisional franchise ang network na tatagal hanggang October 31, 2020.
Bagaman limitadong panahon aniya ito, ang importante ay mismong ang Speaker ang nangakong magkakaroon ng pagdinig o due process sa bagay na ito.
Ayon kay Gonzales, mabibigyan rin ng sapat na panahon ang Committee on Legislative Franchises na makapagsagawa ng komprehensibo at patas na hearings para marinig ang lahat ng isyu.
Iginiit nito na ang komite ang tamang lugar para mai-ere ang kanilang panig.
Sa mga partidong tutol mabigyan ng prangkisa ang network pinayuhan din nito na ihanda na ang kanilang position papers at isumite sa komite para mapabilis ang proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.