16.1 milyong pamilya tumanggap na ng cash assistance sa ilalim ng SAP
Umabot na sa P93.5 billion ang na-disburse na pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Social Amelioration Program.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi na sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje, 16.1 milyon na pamilya na ang tumanggap ng cash assistance.
Sa ngayon ay mayroon na lamang na 1.9 milyon na pamilya pa ang nasa proseso pa ng payout.
Inaasahan ng DSWD na sa lalong madaling panahon ay matatapos na ang pamamahagi ng pondo.
Ito ay para makumpleto na ang pagbigay ng ayuda sa 18 milyong pamilyang inisyal na target ng SAP.
Kasunod nito ay humingi ng pang-unawa si Paje sa mga pamilya, partikular sa mga hindi napasama sa listahan pero karapat-dapat na makatanggap.
Maari aniyang umapela ang mga pamilyang ito upang magawan ng solusyon ang kanilang hinaing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.