Metro Manila, mga kalapit na lalawigan makararanas na ng pag-ulan dulot ng Typhoon Ambo simula bukas

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2020 - 07:27 AM

Simula bukas ng madaling araw hanggang umaga ay maari nang makaranas ng pag-ulan dulot ng Typhoon Ambo ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, bukas sa sandaling lumapit na ang sentro ng bagyong Ambo sa Infanta, Quezon ay maaapektuhan na nito ang Metro Manila at mga lalawigan sa Calabarzon.

Maaapektuhan din ng pag-ulan ang mga lalawigan sa Central Luzon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Figuracion na lalakas pa ang bagyo pero hindi pa nila nakikita sa ngayon na aabot ito sa Super Typhoon category.

Ngayong araw masungit na panahon na ang hatid ng Typhoon Ambo sa mga lalawigan sa Samar gayundin sa Sorsogon, Albay, Catanduanes, Masbate at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas.

Ang bagyo ay tatama sa kalupaan ng northern Samar ngayong tanghali o hapon.

Sa sandaling mag-landfall sinabi ng PAGASA na violent winds at torrential rains ang aasahan sa masasakop ng eyewall ng bagyo.

Mula Samar ay didiretso ng Sorsogon ang bagyo mamayang gabi.

 

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.