Sunog sumiklab sa Tanza, Navotas

Aabot sa 30 bahay ang natupok sa sunog na naganap sa isang residential area sa Brgy. Tanza sa Navotas City.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng Sampaguita at Champaca Street alas 1:00 ng madaling araw ng Huwebes, May 14.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control alas 2:03 ng madaling araw.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

Read more...