Mahigit 4,600 na indibidwal naisailalim sa COVID test sa community-based testing sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2020 - 06:59 AM

Simula ng buksan ang community-based testing centers sa bawat distrito sa Quezon City ay umabot na sa 4,646 na indibidwal ang naisailalim sa tests.

Sa nasabing bilang, natanggap na ng lokal na pamahalaan ang resulta ng aabot sa 1,383 na tests.

Mayroong 181 na nagpostibo sa COVID-19 at 1,202 naman ang negatibo.

Hinihintay naman ang resulta sa isinagawang tests sa iba pa.

Nagpapatuloy araw-araw ang community based testing sa lungsod.

Bawat distrito ay nilagyan ng testing centers para mas maging accessible sa mga residente.

 

 

TAGS: community-based testing centers, covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, community-based testing centers, covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.